Tagalog news: NFA San Jose nakatakdang bumili ng 1M sako ng palay sa SAMARICA

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 13 (PIA)—Aangkat ang National Food Authority (NFA) San Jose ng 800,000 hanggang isang milyon sako ng palay sa mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan (SAMARICA).

Ito ang ibinalita ni NFA Provincial Manager Miguel Tecson na katatalaga lamang noong buwan ng Agosto. Ayon kay Tecson nakahanda na ang pondo para sa pagbili ng mga palay.

May 32 buying stations ang bubuksan upang tanggapin ang mga palay na ibebenta ng mga magsasaka mula sa apat na munisipyo. Bibilhin ang bawat kilo ng palay sa halagang P17 at may karagdagang insentibo na 40 sentimo para sa indibidwal na magsasaka at 30 sentimo para sa mga kooperatiba.

“This is CDIF (Cooperative Development Incentive Fee) (Ito iyong CDIF)”, paliwanag ng provincial manager. Sa CDIF, ibinabalik ng NFA sa mga kooperatiba ang naipong halaga sa pamamagitan ng bigas, postharvest facilities at farm inputs.

Ayon naman kay Reden Arciaga, Provincial Industry Services Officer ng NFA, may dalawa pang insentibong nakukuha ang mga magsasaka mula sa ahensya.Ang isa ay ang Farmer Incentive Rice (FAIR) Purchase Program kung saan nabibili muli ng kooperatiba ang 25 porsyento ng palay na ipinasok nila sa NFA.

Ang Institutionalized Farmers as Distributor (IFAD) naman ay patungkol sa insentibo ng mga kooperatiba mula sa importasyon ng bigas. Paliwanag ni Arciaga nakabase rin umano ito sa palay delivery ng mga kooperatiba ng mga magsasaka.

Inaasahan na magsisimula na ang ‘procurement’ o ang pamimili ng palay ng NFA ngayong ikatlong linggo ng Setyembre. Kabilang ang Romblon, Palawan at Batangas sa mga lalawigang nakikinabang sa bigas mula Kanlurang Mindoro. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s