Tagalog news: DILG nagkaloob ng P10M para sa Evacuation Center ng San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon, Setyembre 13 (PIA) — Pormal nang tinanggap ng pamahalaang bayan ng San Agustin ang mahigit P10 milyon budget para sa ipatatayong evacuation center sa nasabing bayan.

Ang turn-over ceremony para sa mahigit P10 milyong pondo ng naturang proyekto ay dinaluhan kamakailan nina San Agustin Mayor Esteban Santiago F. Madrona at Department of Interior and Local Government Assistant Regional Director Karl Caesar Rimando.

Ang itatayong evacuation center ay papangalanang “D’ Ark, San Agustin Evacuation Center” na itatayo sa San Agustin Central School ground.

Ang konsepto ng building ay nakuha sa Noah’s Ark kung saan magiging tuluyan ng mga taga-San Agustin kung sakaling magkaroon ng sakuna sa lugar.

Ang nabanggit na proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Bottom-up Budgeting project ng DILG sa lalawigan kung saan nakatakda na itong pasimulan sa lalong madaling panahon.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s