Tagalog news: Alay-Lakad 2016, idinaos sa Puerto Princesa, halagang P100,000 nalikom

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 13 (PIA) — Tinatayang Libu-libo ang partisipante mula sa iba’t ibang sektor at organisasyon ang lumahok sa isinagawang Alay-Lakad sa lungsod ng Puerto Princesa kamakailan na inorganisa ng Alay-Lakad Foundation, Incorporated (ALFI).

Ang gawain ngayong taon ay may temang “Alay Lakad May Pag-Asa ang Kabataan”, kung saan ang malilikom na halaga ay mapupunta sa scholarship program para sa mga kabataang desididong mag-aral subalit walang kakayanan ang magulang para pantustos sa pangangailangang edukasyon nito.

Ayon kay Lolita Yulo, isa sa mga opisyales ng ALFI, umabot sa PhP100,000 ang halagang nalikom sa Alay Lakad ngayong taon.

Dahil dito, posible pang madagdagan ang kasalukuyang bilang ng mga kabataang magiging benepisyaryo ng foundation.

Lumahok at nagbahagi sa gawain ang mga delegado mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), sektor pang negosyo, mga eskuwelahan at iba pang grupo mula sa pribado at pang gobyerno. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s