Tagalog news: 2 Romblomanon, nahirang sa mga komite ng Mimaropa RDC

ODIONGAN, Romblon, Setyembre 13 (PIA) — Dalawang Romblomanon ang nahirang upang pangunahan ang dalawang komite sa Mimaropa Regional Development Council sa katauhan nina Corcuera Mayor Rachel Bañares at Rodne Galicha ng Bayay Sibuyananon.

Sa katatapos na 56th Mimaropa Regional Development Council meeting na ginanap kamakailan, pinag-usapan na maghalal na ng mga bagong chairman at co-chairman para sa apat na sectoral committee ng Regional Development Council.

Ito ay ang mga Development Administration Committee, Economic Development Committee, Infrastructure Development Committee at Social Development Committee.

Sa Development Administration Committee (DAC), nahalal na chairperson si Kathy Lene Cielo ng Mindoro Biodiversity Conservation Foundation Inc. at co-chairperson nito si Mayor Rachel Bañares ng Corcuera, Romblon.

Sa Economic Development Committee (EDC) naman ay napili bilang chairman si Rodne Galicha na kinatawan ng non-government organization (NGO) na Bayay Sibuyanon at co-chairperson nito si Marinduque Governor Carmencita Reyes.

Sa Infrastructure Development Committee (IDC) ay nahirang si Fr. Arvin Anthony Madla ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) at co-chairperson naman si Mayor Roberto Madla ng Boac, Marinduque. Sa Social Development Committee (SDC) naman ay na-elect bilang chairperson si Marvi Trudeau ng Shell Foundation at co-chairperson si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Wilma Naviamos.

Sa nasabing 56th Mimaropa Regional Development Council meeting ay pinarangalan rin si Romblon Governor Eduardo Firmalo dahil sa magandang performance nito bilang Chairperson ng Mimaropa Regional Development Council noong taong 2013 hanggang 2016.

Matatandaan na noong 55th RDC Full Council Meeting ay nominado ng pagpipilian bilang susunod na RDC Chairman sina Palawan Governor Jose Alvarez at Calapan City Mayor Arnan Panaligan habang sina Rodne Galicha ng Bayay Sibuyanon at si Marvi Trudeau ng Shell Foundation ang mga na-nominate bilang co-chairperson.

Ipinauubaya na lamang ito kay Pangulong Rodrigo R. Duterte kung sino ang kanyang pipiliin sa mga nominado upang maupong chairman at co-chairman ng Mimaropa RDC.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s