Tagalog news: PNP-Romblon, hinigpitan ang seguridad sa mga port terminal, pampublikong lugar

ROMBLON, Romblon, Setyembre 9 (PIA) — Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) – Romblon ang pagbabantay sa mga port terminal, pampublikong pamilihan at matataong lugar sa iba’t ibang bayan ng probinsiya matapos ang pagbobombang naganap sa lungsod ng Davao noong nakaraang Biyernes.

Alinsunod sa kautusan ni Provincial Director P/Sr. Supt. Juan B. Añonuevo, naglatag ng mga checkpoint ang kapulisan upang palakasin ang police visibility at anti-criminality campaign kaugnay sa pagdeklara ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ng State of Lawlessness.

Ayon kay Police Senior Superintendent Añonuevo, wala naman umanong security threat sa lalawigan ng Romblon pero dapat maging mapagmatyagt pa rin aniya ang mga taga-Romblon.

Dagdag pa ni Añonuevo, maaasahan ang mga checkpoint sa mga kalsada tuwing gabi bilang paghihigpit ng siguridad sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagbibyahe.

Bunga nito, may mga nahuli nang motorista na walang mga lisensiya at may ilan ding nahuli na nasa impluwensya ng alak kaya binigyan ng tiket ang mga ito.

Dahil sa kanilang paglabag sa batas trapiko ay kailangan nilang magbayad ng multa sa tanggapan ng Land Transportation Office. Paalala ng pulisya, ugaliing dalhin ang driver’s license at OR/CR ng mga motorsiklo o sasakyan kapag umaalis ng bahay upang maiwasan ang pagkakahuli at pagbabayad ng multa.

Ayon sa pamunuan ng Romblon Police Provincial Office, nananatili namang normal ang sitwasyon at siniguro nito na walang dapat ipangamba ang mga mamamayan dahil hihigpitan nila ang pagbabantay sa mga lansangan at pampublikong lugar tulad ng airport, pantalan, parke, simbahan at mga pampublikong pamilihan. (DM/PIA-MIMAROPA/ Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s