Tagalog news: Humanitarian mission sa Palawan, dinaluhan ng Israel Ambassador

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 9 (PIA) — Binisita kamakailan ni Israel Ambassador Effie Ben Matityau ang grupo ng mga Israeli na binubuo ng 44 na mga estudyante sa kolehiyo mula sa bansang Israel kasabay ng huling araw ng kawang-gawa ng mga ito sa Barangay Tigman at Plaridel, Aborlan.

Sa pagtatapos ng dalawang linggong gawain, ipinakita ng delegado kay Ambassador Matityau ang nai-renovate nilang reading center sa Plaridel Elementary School na may kasama pang mga libro para sa mga mag-aaral ng eskuwelahan.

Nagtayo rin ng aklatan para sa komunidad ang mga kabataang Israeli sa Barangay Tigman na pakikinabangan ng mga estudyante at kabataan sa lugar.

Ipinagmalaki ng kinatawan ng Israel sa Pilipinas ang boluntaryong gawain ng mga estudyanteng Israeli lalo pa’t lahat ng mga ito mula sa pamasahe hanggang sa lahat ng mga kinakailangan sa misyon ay nagmula sa kanilang sariling bulsa.

“We are witnessing here the volunteer spirit of the Israeli students, once a year, they go and volunteer, they cover their all expenses like books, materials (Nasasaksihan natin dito ngayon ang volunteer spirit ng mga estudyanteng Israeli. Kada taon, umaalis ang mga ito para mag-volunteer, sagot nila ang gastos para sa mga libro, materyales),” ayon kay Ambassador Matityau.

Ayon naman kay Shani Band, estudyante ng College of Management sa Amiklala Liminun, unibersidad sa Israel, at siya ring pinuno ng Foreign Affairs Department ng unibersidad, wala itong kinalaman o puntos sa kanilang akademiya kundi boluntaryo lamang ang gawain.

“It’s just a volunteering, we’re not getting any points for our academics (Wala po kaming nakukuhang dagdag puntos sa aming mga grado sa eskwelahan),” ani Band.

Naniniwala naman ang pamunuan ng Plaridel Elementary School na bukod sa itinayong reading center at ipinamahaging mga libro, maraming natutunan ang kanilang mga mag-aaral sa aktibidad ng delegado.

Ani Principal Teresita Joya, “Na-develop ang kanilang pakikisalamuha sa mga dayuhan, mayroon pang skills development at reading center na may kasama pang materyales, nakakatuwa po dahil isa kami sa napili nila para maging benepisyaryo ng humanitarian project nila.

Samantala, iniulat din ni Ambassador Matityau sa harap ng mga opisyales ng Western Philippines University (WPU) ang programa ng kanilang bansa sa Pilipinas na nakatuon sa food security, sustainable development at agrikultura, kung saan isa sa mga benepisyaryo nito ay ang mga estudyante mula sa Palawan.

Ayon kay Matityau, 15 – 20 estudyante mula sa WPU ang napiling mabiyayaan ng programa. Aniya,kanilang dadalhin sa Israel ang mga ito para maisa-ilalim sa training. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s