Tagalog news: Children’s Paradise Park sa Odiongan, pagagandahin at lalagyan ng free wi-fi

ODIONGAN, Romblon, Setyembre 9 (PIA) — Tiniyak ng bagong alkalde ng Odiongan na ang susunod nilang proyekto ay ang paglalalagay ng free public wi-fi sa Children’s Paradise Park.

Sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng Odiongan ang planong pagsasaayos at pagpapaganda ng Children’s Paradise Park upang maging kaaya-aya itong pasyalan ng lahat.

“May mga oras lang po na kung saan maaaring makakonekta sa libreng wi-fi para hindi naman sobrang magbabad ang mga bata rito at magkakaroon ng ibang amenities sa Children’s Paradise katulad ng modern playground para sa mga bata, chess boards, tables and chairs para sa mga tao at magkakaroon din ng marble benches palibot sa monumento ni Dr. Jose Rizal,” pahayag ni Fabic.

Nakatakda na rin aniyang simulan ang pagsasaayos sa official website ng bayan ng Odiongan sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ilan pa lamang ito sa kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya. Dagdag pa ni Fabic, susubukan nilang ilagay ang serbisyo ng munisipyo sa kanilang website upang maaari nang iproseso online ang mga papeles na kailangan ng mamamayan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s