Tagalog news: 3,690 mga pinaghihinalaang drug pushers at users, sumuko sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 9 (PIA) — Umabot na sa 3,690 mga indibidwal na pinaghihinalaang mga drug pusher at user ang sumuko sa Palawan kaugnay ng Project TOKHANG ng Pambansang Pulisya.

Ang bilang na ito ay mula Hulyo 1 kung saan simulang ipinatupad ang Operation TOKHANG hanggang Setyembre 1, ayon sa ulat ng Philippine National Police-Palawan Police Office (PNP-PPO) sa pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kahapon sa Kapitolyo.

Sa bilang na nabanggit, 3,457 sa mga ito ang pinaghihinalaang users o gumagamit lamang ng ipinagbabawal na gamot at 233 naman ang pushers o tulak o nagbi-benta nito.

Samantala ang bayan ng Bataraza ang nakapagtala ng may pinakamaraming sumukong pinaghihinalaang drug users na umabot sa 765, sumunod dito ang bayan ng Coron na mayroong 469 at pumangatlo naman ang bayan ng Balabac na mayroong 355.

Sa panig naman ng pinaghihinalaang drug pushers, ang bayan ng Narra ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang na umabot sa 73, sinundan ng Balabac na mayroong 53 at pumangatlo ang Quezon na mayroong 24.

41.81 porsiyento naman ng mga barangay sa buong lalawigan ang apektado ng iligal na droga ayon pa rin sa ulat ng PNP-PPO. Sa kabuuang 354 mga barangay sa 23 munisipyo sa Palawan, 148 mga barangay ang apektado nito.

Patuloy naman ang isinasagawang kampanya at pagpapalaganap ng mga kapulisan hinggil sa masamang maidudulot ng droga sa pamamagitan ng mga drug awareness symposium. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s