Tagalog news: Alay Lakad 2016, idinaos sa San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 7 (PIA)—Idinaos kamakailan sa bayan ng San Jose ang Alay Lakad 2016 na may temang “May Pagasa ang Kabataan”.

Isang taunang aktibidad, ang Alay Lakad ay naglalayong makalikom ng pondo na gagamitin para sa scholarship ng mga mapipiling magaaral mula sa kolehiyo mula sa iba’t ibang sektor, ahensya ng pamahalaan at organizasyon.

Ayon kay Melencio Corpuz, chairman ng Alay Lakad 2015, bukod sa talino ay dapat kabilang sa mahirap na pamilya ang mga scholars ng Alay Lakad. “Binibisita ng komite ang mga aplikante sa kanilang tahanan upang maseguro na karapatdapat silang mabigyan ng scholarship”, pahayag ni Corpuz.

Sa pondong nalikom ng Alay Lakad 2015 na higit sa kalahating milyong piso, ay nakapagbigay ito ng scholarship sa may 22 magaaral na nagmula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng San Jose. Ipinakilala ang mga ito sa isang programa para sa nasabing aktibidad noong ika-4 ng Setyembre, bilang patunay sa magandang adhikain ng programa.

Isa si Ricca Sherine Javier, kasalukuyang propesor sa kursong Accountancy ng Divine Word College (DWC), sa magandang halimbawa ng mga nagtagumpay na Alay Lakad scholars. Ayon sa kanya, hindi naging madali na pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral, subalit nakatulong ng malaki sa kanya ang pagiging scholar ng Alay Lakad noong Nobyembre 2013.

Natapos ni Javier ang kanyang kurso taong 2015 at naging Certified Public Accountant sa kaparehong taon matapos maipasa ang Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) noong Oktubre 2015. “Dapat nilang (scholars) pagbutihin (ang pagaaral) upang hindi masayang ang opportunity na makapagtapos”, pahayag ni Javier.

Ang Alay Lakad 2016 naman ay nakalikom ng higit sa P600,000 na ayon kay Jiruel Vasquez, Chairman ng Alay Lakad 2016, ay karagdagang pondo sa mga panibagong mapipiling scholars. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)

fgjgf

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s