Tagalog news: Oplan RODY, kontra-drogang programang ikinasa ng BJMP-Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Sept 6 (PIA) — Nagsagawa kamakailan ng “Oplan Baklasan-Lipatan sa Piitan (Oplan RODY)” ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Puerto Princesa.

Sa pamamagitan nito,naipatutupad ang disiplina sa mga detenido at matitiyak na kontrolado ang mga ito ng pamunuan ng piitan.

Sa Oplan RODY, kina-klasipika at inihi-hiwalay ng dormitoryo ang mga bilanggo, base sa kanilang kinakaharap na kaso.

Prayoridad ng BJMP na maihiwalay ang mga nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act- 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) upang mas madaling maisakatuparan ang mga programa para sa mga ito na ilalaan ng gobyerno.

Pinangunahan ni BJMP Puerto Princesa City Warden, Jail Chief Inspector Lino Soriano ang nasabing inisyatibo bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinatutupad ngayon sa mga piitang pinatatakbo ng BJMP.

Mas puspusan naman ngayon ang mga programa ng City Jail para sa mga bilanggo tulad ng therapeutic community modality program na may layuning matulungan ng bawat detenido ang kanilang sarili sa positibong pag-uugali, gayundin ang regular na sports and recreational activities.

Mayroon ding buwanang isinasagawa na anti-drug awareness campaign at livelihood program ang pamunuan ng BJMP upang matutukan ang reporma para sa mga bilanggo.(LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

1a1c22990b370a558925a779bd065ccd

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s