Tagalog news: Medical, Dental mission at Gupitang Bayan, pinangunahan ng LGU Romblon

ROMBLON, Romblon, Setyembre 6 (PIA) — Pinangunahan ng lokal na pamahalaang panlalawigan ng Romblon ang pagsasagawa ng dalawang-araw na free medical mission, dental mission at gupitang bayan noong Setyembre 1-2, na isinagawa sa Governor’s Residence, Bgy. Capaclan, Romblon, Romblon.

Ang aktibidad na ito ay bilang pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan sa 116th Founding Anniversary ng Philippine Civil Service taglay ang temang Sigaw ng LingkodBayani: “Malasakit Para sa Taumbayan, KapwaKawani, at Kalikasan.”

Bilang isang manggagamot, si Governor Eduardo C. Firmalo mismo ang nanguna sa pagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga pasyenteng dumating sa medical at dental mission kung saan naging katuwang nito ang mga doktor, nurses at iba pang health workers ng Romblon District Hospital sa pangagamot.

Ang ganitong aktibidad aniya ay pagpapakita ng malasakit sa kapwa bilang mga pangalawang pamilya na dapat na tinutulungan.

Umabot sa 554 na pasyente ang sumailalim sa medical mission, 500 naman ang nabunutan ng ngipin at 530 ang nabigyan ng libreng gupit.

Ang mga nagpakonsulta sa medical mission ay binigyan ng libreng gamot at vitamins, nakatanggap naman ng oral hygiene kit ang mga nagpabunot ng ngipin.

Isinagawa rin noong Sabado ang fun run na nilahukan ng mga empleyado ng kapitolyo at ngayong araw naman magsisimula o bubuksan ang Inter-Agency Sportsfest na gaganapin sa Romblon Public Plaza.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

kk

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s