Tagalog news: La Nina, maaring maranasan sa Setyembre, ayon sa Pagasa

LUNGSOD QUEZON, Setyembre 5 (PIA)— Inihayag ng DOST-Pagasa na mayroong 55-60 porsiyentong posibilidad na magkakaroon ng La Nina at maaring maranasan ito simula sa Setyembre.

Kahit pa madalas na ang pagsikat ng araw, makakabuting tingnan ng mga kababayan ang mapa ng kanilang lugar at alamin kung bahain o may kasaysayan ng pagguho ng lupa para makapaghanda.

“Kabilang rito ang mga lugar na naapektuhan ng habagat, may posibilidad na magkaroon ng karagdagang pag-ulan”, paliwanag ni Anna Solis, ang Officer-in-Charge ng Climatology and Agrometeorology ng Pagasa.

Partikular na tinukoy sa Local Monthly Weather Situation na inilabas ng Pagasa ang Oriental Mindoro, Romblon at Marinduque (pati ang mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon at Camarines Norte) ay higit sa karaniwang pag-ulan (Above Normal rainfall) sa susunod na buwan.

Kasama din sa nakikita ng Pagasa na makakaranas ng maraming pag-ulan ang Calabarzon at ang Metro Manila.

“Ang ibig sabihin po ay yung karaniwang pag-ulan na nararanasan ay posibleng madagdagan, may potensyal na magkaroon ng flashflood, river flooding”, paliwanag ni Solis.

Pagdating ng Oktubre, sabi ni Solis, ang Habagat ay mapapalitan ng Amihan at ito naman ang maghahari’t magpapaulan sa silangang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga lalawigang posibleng maging maulan ngayong Oktubre, Nobyembre at Disyembre ang Isabela, Aurora, Eastern Visayas, Central Visayas, Surigao, Davao Del Norte at iba pang lugar sa Mindanao.

Ngayon palang, pinapayuhan ni ang mga kababayan pati ang mga Disaster Risk Reduction and Management Office na maghanda at ipagpatuloy ang pagbabantay sa mga updates ng Pagasa. (LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s