Tagalog news: DOH-Mimaropa, PCG-Palawan, nagsasanay muli ng mga lifeguard para sa WASAR

LUNGSOD QUEZON, Setyembre 5(PIA) — Determinado ang Department of Health Mimaropa na matulungan ang mga kababayan at mga turista na magkaroon ng ligtas na pamamasyal sa alinmang lalawigan ng rehiyon.

Kamakailan ay idinaos ang ika-limang DOH Water Search and Rescue (WASAR) Training sa CYC Beach sa Coron, Palawan.

Tatlumpung katao, karamihan mga lifeguard, hotel staff at swimming pool attendants, ang kalahok sa pagsasanay na isang inisyatibo ng DOH-Mimaropa sa ilalim ng Health in Tourism katulong ang Philippine Coast Guard – Palawan at ng lokal na tourism office.

Ang Mimaropa ngayon ay mayroong 354 lifeguard na sinanay ng DOH-Mimaropa at PCG sa WASAR.

Batay sa batas, ang PCG ang tanging ahensiya na nagbibigay ng lisensya sa lifeguard.

Una rito, inihayag ni DOH-Mimaropa Regional Director Eduardo C. Janairo na target nilang maka-500 lifeguard na sinanay sa WASAR.

Ang mga WASAR-trained lifeguard, aniya, ang bubuo ng pinaplano nilang water rescue operation center kung saan sila ang mangunguna sa mga water rescue operations sa loob at sa labas ng rehiyon.

Batay sa ulat ng Pilipinas sa World Conference on Drowning Prevention noong 2011, tinatayang may walong Pilipino ang namamatay dahil sa pagkalunod araw-araw. (DOH-Mimaropa/LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s