Tagalog news: 456 kabataang mag-aaral, mga bagong benepisyaryo ng educational program ng OrMin

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Setyembre 2 (PIA) – Umabot na sa 456 ang bilang ng mga kabataang nakikinabang sa Provincial Educational Assistance Program (PEAP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ngayong taon.

Sa nabanggit na bilang, 392 ang mga benepisyaryo sa ilalim ng Pang-alalay sa Edukasyon Program samantalang 64 ang kinumpirma bilang mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan sa kursong midwifery na naka-angkla pa rin sa PEAP.

Kaugnay nito, isa-isang ipinakilala kamakailan ni Sanggunaiang Panlalawigan (SP) Committee Chair on Education Bokal Ryan Z. Arago ang mga bagong iskolar ng pamahalaan. Sa ngalan ng kanilang mga kapwa mag-aaral, nagpasalamat sina Eleonor Chua isang midwifery student ng Luna Goco Colleges at Honey Grace Balignot, 4th year Bachelor of Science in Business Administration student ng Divine Word College of Calapan (DWCC).

“Mag-aral kayong mabuti, magtapos, magtrabaho at tumulong sa inyong pamilya, bayan, at sa barangay na inyong pinaglilingkuran at huwag kalimutan ang mga tao at institusyong naging daan upang makapag-aral kayo ng libre,” pahayag ni Bise-Gob. Humerlito A. Dolor.

Ipinahayag din ni Dolor na laging bukas ang Bulwagan ng Mamamayan sa lahat ng mga nagnanais makabisita at sumaksi sa mga panlehislaturang gawain ng mga Sanggunian.

Samantala, sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 042-2014 na nagtatatag sa Provincial Educational Assistance Program, mayroong apat na mahahalagang kategorya ang tulong pang-edukasyon na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mapapalad na mga mag-aaral. Kinabibilangan ito ng Bachelor’s Degree Scholarship, Scholarship for Indigenous Peoples, Technical/Vocational/Literacy Assistance Scholarship at ang Special Financial Educational Assistance.

Batay sa bagong panuntunan, ang mga estudyanteng nag-apply bilang mga first year college students sa ilalim ng K-12 curriculum ay nakabilang sa programang Pang-alalay sa Edukasyon kung saan pinagkakalooban nang hindi tataas sa P7,000 tuition fee ang mga mapipiling benepisyaryo samantalang nasa P10,000 tuition fee at P2,000 monthly allowance naman ang tatanggapin ng mga mag-aaral ng midwifery. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s