Tagalog news: BROWN4good Challenge, inilunsad sa Palawan ng Kagawaran ng Agrikultura

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 02 (PIA) — Inilunsad kamakalawa ng Kagawaran ng Agrikultura Rehiyong Mmaropa ang BROWN4good Challenge sa Palawan sa pangunguna ni Regional Executive Director Atty. Cipriano G. Santiago. Isinagawa ito sa Palawan State University (PSU) Gymnasium.

Ang paglulunsad na ito ay bilang suporta sa Be RICEponsible Advocacy Campaign ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong mas mapalawak pa ang produksiyon ng brown rice o pinawa at maipalaganap pa ang kahalagahan ng pagkunsumo o pagkain nito.

Napili ng Philipine Rice Research Institute (PhilRice) ang lalawigan ng Palawan na pagdausan ng aktibidad na ito dahil sa pagkakaroon nito ng ‘Brown Rice Resolution’ at ‘Half Cup Ordinance’, ayon kay Dr. Marissa Romero.

Sa hamong ito ay target ng DA na makalikom ng 50,000 hash tags upang makapag-ipon ng brown rice na ibibigay naman sa mapipiling institusyong pangkawanggawa na tumutulong sa mga mahihirap sa Palawan sa Nobyembre.

Sa paglulunsad ng hamon na ito ay ipinaliwanag naman ni Erika Padilla isang artista ng GMA-7 at ambassador ng DA sa pagpapalaganap ng pagkonsumo ng brown rice na upang mabilang ang bawat hash tag ay dapat sundin ang mga sumusunod na hakbang.

Una, magluto sa bahay o umorder ng brown rice sa inyong mga paboritong kainan. Ikalawa, kunan ito ng larawan at i-post sa social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Pangatlo, lagyan ito ng caption na #BROWN4good at #region4MIMAROPA at pang-apat, i-tag ang mga kaibigan at hamunin na gawin din ito.

Ayon sa DA, ang bawat hash tag ay katumbas ng 100 gramo ng brown rice ang malilikom. Ang hamong ito ay nagsimula sa araw ng paglulunsad, Agosto 30, 2016 at magtatagal hanggang Oktubre 31, 2016.

Ang paglulunsad ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa mga sekondarya at kolehiyo, mga rice retailers at millers, mga may ari ng resorts, hotel at restaurants, mga magsasaka, at mga kawani mula sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon pa kay Dr. Romero ng PhilRice nais nilang mas tangkilikin ng mga Filipino ang brown rice dahil sa sustansiyang dulot nito at upang maiwasan din ang agkakaroon ng iba’t-ibang sakit tulad ng cancer at diabetes.

Aniya pa, sa pamamagitan ng pagkonsumo ng brown rice ay matutulungan natin ang mga magsasaka na mapalaki pa ang kanilang produksiyon, at mapapa-angat ang pamumuhay ng mga ito, matutulungan din ang mga batang undernourished na maging malusog. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s