Tagalog news: Mga bagong mobile apps ng DOST, inilunsad sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Agosto 31 (PIA) — Inilunsad kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) sa lalawigan ang mga bagong mobile application nito tulad ng eHATID at RxBox na makatutulong sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Ayon sa paliwanag nina DOST Mimaropa Regional Director Ma. Josefina P. Abilay at Department of Health (DOH) Mimaropa Regional Director Eduardo C. Janairo, ang naturang mobile apps at mga bagong kagamitan tulad ng eHATID at RxBox ay ilan lamang sa pinakabagong imbensyon ng DOST na may malaking ambag sa pagpapataas ng antas at pagpapabilis ng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan, access sa mga impormasyon sa pagnenegosyo, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang RxBox ay isang telehealth device na dinisenyo ng DOST para sa ugnayang pangkalusugan sa pagitan ng pasyente at community health workers na nasa malalayong lugar na nakapagsasagawa ng mga pangunahing test na kailangan ng pasyente samantalang ang eHATID naman ay isang enhanced health information system na nakalagay sa isang tablet o electronic gadget na gamit sa mabilis na pagtukoy ng mga impormasyon ng mga pasyente sa isang munisipalidad.

Samantala, binigyang-diin naman ni DOST-Oriental Mindoro Provincial Science and Technology Director Jesse Pine ang kahalagahan ng syensya gayundin ang malaking ambag nito sa pang-araw araw na buhay ng mga tao at ang solar energy for telemedicine na siyang gagamitin naman kung sakaling mawalan ng kuryente na kakailanganin sa mga naturang equipment.

Dagdag pa ni Pine, sa Oriental Mindoro, mauuna aniyang pagkakalooban ang bayan ng Gloria ng RxBox dahil nakatugon na ito sa mga kinakailangang dokumento. May naipagkaloob na namang eHATID tablet sa pitong munisipalidad sa lalawigan.

Iniulat din ni Pine ang iba pang programa ng kanilang ahensya tulad ng scholarship programs, assisted cooperative at Small Medium Enterprises (SMEs) at iba pa.

Inilunsad din sa gawain ang MimaropaVentures.ph mobile application na mas magpapabilis sa pag-access sa mga produkto ng rehiyong Mimaropa gamit ang cellphone. Nagkaroon din ng soft launching ng Visit Mimaropa website na magpapabilis ng promosyon ng tourist destinations sa rehiyon, at Ugnayang Tekno-Negosyo kung saan binigyang-diin ni DZMM Anchor at Entrepreneur Dr. Carl Balita ang kahalagahan ng iba’t ibang istratehiya sa pagnenegosyo.

Iniulat naman ni Abilay ang mga inisyatiba ng DOST na aalalay sa mga mamamayan partikular sa mga negosyante sa lalawigan sa pamamagitan ng Food Innovation Center (FIC) na nakabase ngayon sa Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT)-Calapan City Campus, na aalalay upang mapataas ang kalidad ng mga produkto.

Ang paglunsad ng mga makabagong serbisyo ng DOST ay naisagawa sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, Pamahalaang Lungsod ng Calapan, MinSCAT at iba pang ahensya ng gobyerno. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s