Tagalog news: Mga bagong eco-tourism site sa Puerto Princesa, bubuksan sa 2016

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 29 (PIA) — Anim pang eco-tourism destinations ang bubuksan ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa simula ngayong taon.

Ang mga ito ay ang Lion Cave na pina-planong gawing museum, Day Light Hole sa dulong bahagi ng pamosong Underground River, Mount Bloomfield at Sugod Uno Life-Seeing Tour sa Barangay Cabayugan, kung saan tampok dito ang mga kultura at tradisyon ng mga katutubong Tagbanua na naninirahan sa Sitio Sugod Uno ng nasabing Barangay.

Inaasikaso rin ngayon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang aplikasyon para sa planong buksang Tres Marias Dive Site sa Barangay Buenavista at Homestay sa Barangay Tagabinet.

“Ipino-proseso pa lamang sa ngayon ang mga kaukulang permit para sa magiging operasyon ng mga tourist attractions na ito, pero inaasahan natin na ngayong taon, mayroon nang mabubuksan”, ani Elizabeth Maclang, Puerto Princesa protected area and world heritage site manager.

Nito lamang nakalipas na Marso, binuksan ng lokal na pamahalaan ang Isla Felomina na matatagpuan din sa Cabayugan.

Patok din sa mga turistang bumibisita sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) ang Jungle Trail at Hundred Caves na kabilang sa Community-Based Sustainable Tourism (CBST) Projects.

“Lahat ‘yan ay magiging community-based projects, para ang mga tao ay hindi lang aasa sa empleyo sa Puerto Princesa Underground River (PPUR)”, dagdag pa ni Maclang. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s