Tagalog news: Phase III ng Romblon Provincial Hospital, sisimulan na

ODIONGAN, Romblon, Agosto 26 (PIA) — Inumpisahan nang gibain ang lumang gusali ng Romblon Provincial Hospital upang bigyang-daan ang pagtatayo ng panibagong gusali.

Sisimulan na ang Phase III project ng Department of Health’s (DOH) Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na nasabing ospital.

Kinumpirma ni Governor Eduardo C. Firmalo na magsisimula na ngayong taon ang konstruksiyon ng pangatlong bagong gusali sa RPH bilang pagpapatuloy sa implementasyon ng pondong P140 milyon na kaloob ng DOH sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.

Magugunita na taong 2010 ng sinimulang pagandahin at dagdagan ng bagong gusali ang Romblon Provincial Hospital kung saan pinagkalooban ito ng Php138,243,162.27 budget para sa Phase I ng naturang proyekto.

Taong 2012 naman ng simulan ang Phase II ng proyekto kung saan pinondohan ito ng karagdagang Php118,499,301 mula pa rin sa nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.

“Mas magiging moderno na ang RPH kapag tuluyan nang natapos ang Phase III nito kung saan Php140,000,000 ang pondong inilaan sa pagpapatayo ng panibagong gusali na pakikinabangan ng lahat ng Romblomanon,” pahayag ni Firmalo.

Sa kasalukuyan ay nagagamit na ng mga pasyente ang naunang dalawang bagong gusali ng RPH kung saan halos kompleto na sa modernong pasilidad at mga medical equipment.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s