Tagalog news: Paghahanda sa magkakasabay na kaganapan sa Puerto Princesa, pinag-aaralan na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 26 (PIA) — Isinasaayos na ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa ang mga dapat paghandaan sa tatlong malalaking kaganapang nakatakdang isagawa sa lungsod ngayong buwan ng Nobyembre.

Libu-libong partisipante ang inaasahang darating sa lungsod para lumahok sa halos magkakasabay na gaganaping Mimaropa festival, Puerto Princesa Underground River Day at Asian Championship Leg Dragon Boat Race.

“Kailangan nating masusing pag-aralan ang seguridad at maayos na programa para sa mga events na ito”, ani Mayor Lucilo Bayron sa ipinatawag na consultative meeting kamakailan.

Ayon kay Demetrio Alvior, acting city tourism officer, nasa 1,500 delegado mula sa limang probinsya at dalawang siyudad ang inaasahang lalahok sa Mimaropa Festival na gaganapin sa Nobyembre 7-11.

Dagdag pa ni Alvior, mahigit sa 1,000 paddlers naman ang lalahok sa Asian Championship ng Leg Dragon Boat Race na nakatakda sa Nobyembre 10-13. Inaasahan din sa parehong petsa ang pagdating ng ilang opisyal ng ‘New Seven Wonders of Nature’ para sa pagdiriwang ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) Day sa Nobyembre 11.

Kasabay ng pagdagsa ng libu-libong lalahok sa mga nakatakdang kaganapan, maraming programa at aktibidad kaugnay dito ang pinaghandaan ng pamahalaang panlungsod. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s