Tagalog news: Dalawa katao, patay sa landslide sa bayan ng Magdiwang, Romblon

MAGDIWANG, Romblon, Agosto 25 (PIA) — Dalawa katao ang naiulat na nagulungan ng malaking tipak ng bato at natabunan ng gumuhong lupa sa Bgy. Dulangan, Magdiwang, Romblon sa isla ng Sibuyan noong Sabado bunsod ng pag-uulang nararanasan ng lalawigan nitong mga nakaraang araw.

Batay sa imbistigasyon ng Magdiwang Municipal Police Station, 3:00 ng hapon noong ika-20 ng Agosto ng nangyari ang naturang landslide na ikinamatay ng isang minero at empleyado ng minahan.

Kinilala ang minero na si Rodrigo Ragas Dianco, 35 taong gulang, residente ng nasabing barangay at ang empleyado naman ay kinilalang si Quirino De Asis Royo, 40 taong gulang, residente ng San Fernando, Romblon.

Naglalakad umano sa gilid ng bundok sa Sitio Hanggan, Bgy. Dulangan ang dalawang biktima patungo sa lugar na pinagmiminahan nila ng biglang gumuho ang lupa na may kasamang tipak ng mga bato kung saan natabunan ang mga ito.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan ng mga ito. Patuloy ring iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari at inaalam ng mga awtoridad kung may permit to operate ang nasabing minahan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s