Tagalog news: Waste to Energy Project, ipinanukala sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 24 (PIA) — Lumagda kahapon sa isang Joint Venture Agreement (JVA) ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamamagitan ni Mayor Lucilo Bayron at Austworks Corporation President Gregory James Burton kaugnay sa panukalang Waste to Energy Project sa lungsod.

Ang nasabing proyekto ay isang halimbawa ng trash-to-treasure initiative, kung saan malaki ang magiging pakinabang ng lungsod at mamamayang naninirahan dito.

Ilan lamang sa mga pangunahing benepisyo sakaling maisakatuparan ang proyekto ay ang kikitain ng pamahalaan na tinatayang aabot ng P20 milyon kada taon, na katumbas ng limang porsiyento ng gross sales ng Austworks Corp. mula sa electrisidad na isu-suplay sa Palawan Electric Cooperative, Inc. (PALECO).

“The more waste, the better“, ani Burton.

Magreresulta ng malaking katipiran ng siyudad mula sa Php150 Million na halaga ng pagpapatayo ng sanitary landfill, dahil hindi na rin kakailanganin pa ng pamahalaang lungsod na magpatayo ng panibagong pasilidad.

Positibo naman si Mayor Bayron, bukod sa hindi na kakailanganin pang maglaan ng City Government ng Php41M para sa solid waste collection, mapapalitan na rin ng modernong mga trucks ang kasalukuyang ginagamit ng City Solid Waste Management dahil pagkatapos ng dalawang taong pagsisimula ng commercial operations, ang Austworks na ang siyang hahawak sa pangongolekta ng basura.

Samantala, ayon kay PALECO General Manager Ric Zambales, ang Waste to Energy Project ang may pinaka-mababang True Cost Generation Rate (TCGR) na may P6.00 kada kilowatt hour, kumpara sa Langogan Hydro Power na may P6.58/kph TCGR at Delta Phi na may P8.62/kph.

Magiging bentahe rin umano ang 6-megawatt na kuryenteng mai-su-suplay nito hindi lang sa lungsod kundi maging sa lalawigan ng Palawan, bilang karagdagan sa mga kasalukuyang power providers ng PALECO, ani pa ni Zambales. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s