Tagalog news: Public Safety Company Advisory Council officials ng OrMin, nanumpa sa tungkulin

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Agosto 24 (PIA) – Pormal na nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal at mga kasapi ng Public Safety Company Advisory Council sa Camp Efigenio C. Navarro sa Brgy. Suqui, Calapan City.

Ang eleksyon ng naturang konseho ay pinangunahan ng Company Police Strategy Management Unit sa ilalim ni Company Commander Police Inspector Ervin M. Plando. Ang pagbubuo ng Public Safety Company Advisory Council ay nasa ilalim ng Performance Government Unit na siya namang proyekto ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Plando, ang naturang proyekto ay isang inobasyon sa pagbibigay ng mas epektibong paglilingkod sa mga mamamayan na kanilang nasasakupan. Ilan lamang sa mga binibigay nilang serbisyo ay ang security coverage at search and rescue operation kapag may mga kalamidad.

Mayroon din silang mga nailunsad na mga proyekto at mga gawain gaya ng Project EDEN na naglalayong ipreserba ang kalikasan at mga leadership training sa mga kabataan.

Ang Advisory Council ay binubuo ng mga iba’t ibang sektor gaya ng religious, business, government, Red Cross, health, at youth sector.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng iba’t ibang sektor na ito, mas magiging malawak ang maaabot ng Public Safety Company.

Ang mga sektor na ito ang magiging kinatawan ng mga iba’t ibang sektor ng lipunan na nais magpahayag ng kanilang mga mithiin at matamong serbisyo mula sa mga kapulisan. Nilalayon din nilang matugunan ang mga isyu ukol sa mga bagong patakaran ng bagong administasyon.

Kaalinsabay naman ng ginanap na eleksyon, ginanap din ang kauna-unahang pagpupulong ng naturang Advisory Council sa bagong pamumuno nito kung saan nagpahayag ang bawat sektor ng kanilang mga suhestyon na aambag sa higit pang paglilingkod ng Public Safety Company. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s