Tagalog news: 6 rain gauges, inilagay ng OCD Mimaropa sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon, Agosto 23(PIA) — Bumisita kamakailan sa bayan ng San Fernando, Romblon ang Office of Civil Defense(OCD) Mimaropa upang mag-install ng rain gauges at nagsagawa ng pagsasanay sa Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils.

Ayon kay Harlie B. Relox, MDRRM Officer ng San Fernando, na naglagay ang mga kinatawan ng OCD-Mimaropa ng 5 manual rain gauges at isang automatic rain gauges.

Ang isang rain gauges ay magagamit na basehan ng MDRRMC at mga BDRRMC sa paghahanda kung may biglaang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan. Sa pamamagitan kasi ng gamit na ito ay madali nilang malalaman kung gaano kadami o kalakas ang buhos ng ulan sa lugar nila.

Inilagay ang 5 manual rain gauges sa mga barangay ng Otod, Panangkalan, Pili, Taclobo, at España kung saan laging tumataas ang tubig kapag umuulan. Samantala, ang automatic rain gauge naman ay inilagay sa Poblacion ng nasabing bayan.

Naglagay rin ng water level marks ang OCD-Mimaropa sa mga ilog ng Ipil River sa Barangay Panangkalan at sa Mabolo River sa Barangay Mabolo para madaling malaman kung kailangan ng ilikas ang mga mamamayang aabutin ng tubig baha kung sakaling lumaki ang tubig sa mga ilog.

“Kailangan na maging handa ang komunidad o sinumang indibidwal sa negatibong epekto ng pagbaha upang mapangalagaan ang kanilang mga ari-arian at walang magbuwis ng buhay,” pahayag ni Assistant Regional Director Nieves Bonifacio ng OCD-MIMAROPA. (DM/PIA4B/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s