Narra FARMC, finalist sa Search for Outstanding FARMC ng Gawad Saka 2016

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 23 (PIA) — Isa ang Narra FARMC sa anim na finalist para sa Search for Outstanding Fisheries and Aquatic Resources Management Council o FARMC ng Gawad SAKA 2016 na itinataguyod ng Department of Agriculture (DA).

Makakalaban ng Narra FARMC ang mga FARMC mula sa San Fernando La Union; Cagayan De Oro at Bacoor Cavite, ayon kay Atty. Benjamin F. Tabios Jr., Assistant Director for Administrative Services ng DA at tumatayong Chairman ng Technical Evaluation Team ng nabanggit na patimpalak.

Ang Gawad Saka ay taunang patimpalak na isinasagawa ng DA upang kilalanin ang mga magsasaka, mangingisda, livestock raiser na nakagawa ng malaking kontribusyon sa pamamagitan ng sariling pamamaraan sa larangan ng pagsasaka at pangingisda upang maiangat ang nabanggit na industriya.

Ang pagsasakatuparan ng patimpalak na ito ay isang paraan ng DA upang makahanap ng magiging huwarang halimbawa sa larangan ng agrikultura na maaring maging modelo ng mga magsasaka at mangingisda. Dinagdag din niya na nakahanda ang kanilang tanggapan na magbigay ng anumang suporta upang pagyamanin ang sektor nito.

Ang magwawagi sa Search for Outstanding FARMC ay tatanggap ng salaping gantimpala at plake ng pagkilala na personal na igagawad ng Pangulo ng Pilipinas sa awarding ceremony.

Noong mga nakalipas na taon ay hinirang na national awardee ang pamilya Dureza mula sa bayan ng Brooke’s Point sa kategoryang Farm Family sa ilalim pa rin ng nabanggit na patimpalak. (PIO/OCJ PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s