Tagalog news: Php13.9M halaga ng proyekto, ipinagkaloob ng DA sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Agosto 22 (PIA) – Personal na ipinagkaloob kamakailan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol ang halagang P13,953,769 sa lalawigan para sa mga proyektong pang-agrikultura.

Ito ay bunsod ng pagkakita at pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na may malaking potensyal ang Oriental Mindoro bilang isa sa pangunahing food production areas ng bansa, taglay ang mayaman nitong agrikultura at pangisdaan at ang istratehikong lugar nito na malapit sa kalakhang Maynila.

Isinagawa rin dito ang turn-over ceremonies ng iba’t ibang farm implements sa Agricultural Training Institute (ATI) Learning Site IV-B sa Barangay Labonan, bayan ng Bongabong.

Ito ay dinaluhan ng mga magsasaka, mangingisda at ng iba’t ibang mga samahang pang-agrikultura mula sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

Sa gawaing tinawag na “Duterte Delivers Tapatan: Gobyerno at Masa”, unang pinasinayaan ang ATI Marker ng pasilidad na sinaksihan ng mga opisyal ng Oriental Mindoro, sa pangunguna nina Second District Representative Reynaldo V. Umali, Gob. Alfonso V. Umali, Jr., mga punumbayan at mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Kasunod nito, isinagawa rin ang Face-to-Face Dialogue sa pagitan ni Sec. Piñol at mga kinatawan ng mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan.

Ayon kay Piñol, ibinabalik lamang nila, sa ngalan ng pamahalaang nasyunal, ang mga tulong at suportang nararapat lamang ipagkaloob sa mga mamamayan. Target ng pamahalaang nasyunal na magkaroon ng rice sufficiency ang bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte, ayon pa kay Piñol.

Dahil dito, hinamon ni Piñol ang mga magsasakang Mindoreño na pagsumikapang pataasin ang produksyon ng palay upang makaambag sa pangkalahatang produksyon ng bigas sa buong bansa. Ito ay kapalit ng lahat ng mga tulong mula sa pamahalaang nasyunal.

Samantala, pinangunahan din ni Piñol ang formal turn-over ng iba’t ibang farm implements sa mga magsasaka at mangingisda. Kabilang na rito ang mga sumusunod:10 units pump and engines with flexible hose; dalawang units ng hand tractor; limang units ng pump at engine; limang unit ng 100-meter duct hose; assorted planting materials/vegetables/garden tools; 11 units ng knapsack sprayer at marami pang iba. Namahagi rin ang kalihim sa mga katutubo ng mga vegetable seeds, 20 native na mga inahing baboy, mga babasahing pangkabuhayan, mga pananim at mga gamit pansakahan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s