Tagalog news: Pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa Culion, binabantayan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 21 (PIA) — Patuloy na binabantayan ng Municial Health Office (MHO) ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue sa bayan ng Culion.

Ayon kay Dr. Charlie Tejada, Culion Municipal Health Officer, umabot na sa 49 kaso ng mga nagkakasakit ng dengue ang kanilang naitatala mula Enero 2016 hanggang Agosto 12. Mas mataas ito ng 39 kaso kung ikukumpara sa bilang ng mga kaso ng nakalipas na taon sa kaparehong mga buwan na umabot lamang ng 10.

Ang mga pasyenteng may dengue ay inoobserbahan ngayon sa Culion Sanitarium and General Hospital. Ang mga naitalang may sakit na dengue ay mula sa mga barangay ng Libis, Osmeña at Jardin ng nasabing bayan.

Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng dengue sa nasabing bayan ay wala pa umanong basehan ang MHO para magrekomenda sa Local Chief Executive na magdeklara ng dengue outbreak.

Kaugnay nito ay inilunsad na rin ng pamahalaang bayan ng Culion ang sama-samang paglilinis ng mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Inatasan na rin ni Dr. Tejada ang mga kawani ng MHO na magsagawa ng Information Dessimination upang maiwasan pa ang pagdami ng mga nagkakasakit ng dengue. Kasama dito ang paghihikayat sa mga mamamayan ng paglilinis ng kapaligiran at ang maagang pagpapakonsulta sa doktor upang maagapan ang sakit. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s