Tagalog news: PDRRMO Romblon, nagsagawa ng mga pagsasanay para sa kanilang volunteers

ROMBLON, Romblon, Agosto 20 (PIA) – Patuloy sa pagsasagawa ng mga pagsasanay para sa mga volunteer ang Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) Romblon Station.

Ang mga uri ng pagsasanay ay ang Water Search and Rescue (WaSAR) at Basic Life Support and Standard First Aid (BLSSFA) ay nilahukan ng 50 rescue volunteer na ipinadala ng mga Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng bawat ng munisipyo sa lalawigan.

Ayon kay Engr. Antonio P. Sarzona, PDRRM Officer, na bahagi ang mga pagsasanay sa mga programa ng pamahalaang lokal na tutugon sa mga pangyayari at kaganapan na hindi inaasahang dulot ng pagbabago ng panahon.

Ang pagsasanay sa WaSAR para sa mga rescue volunteer mula sa labimpitong bayan ng Romblon ay isinagawa sa Punta Corazon Resort, Bgy. Cajimos, Romblon, Romblon na ginanap sa loob ng limang araw.

Ayon sa pamunuan ng PDRRMO Romblon, tatlong beses na silang nakapagsagawa ng pagsasanay sa mga rescue volunteer ng lahat ng mga bayan sa lalawigan at nagpapatuloy ito batay na rin sa pangangailangan ng lokalidad dahil mapapakinabangan nila ito kapag may kalamidad.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s