Tagalog news: DAR, NIA, nagkaloob ng irrigation projects sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, August 20 (PIA) —- Ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) at National Irrigation Administration (NIA) kamakailan ang dalawang kumpletong Communal Irrigation Projects (CIPs) sa Irrigators’ Associations ng mga Barangay ng Mendoza at Abaroan, Roxas sa Norte ng Palawan.

Ang CIPs na nagkakahalaga ng Php13.64 milyon ay itinayo sa dalawang barangay sa pakikipagtulungan ng DAR, NIA at lokal na pamahalaan ng Roxas. Sa kasalukuyan, mayroon nang CIP na pinakikinabangan ng siyam na magsasaka sa kanilang 26 ektaryang palayan, partikular na ang Bantoto project na nasa phase 3, sa Sitio Candelario ng Abaroan. Bilang karagdagan, napalawak pa ang service area ng proyekto na hanggang 166 ektarya; 73.2 ektarya naman ng lupaing pang-agrikultura ng 48 na mga magsasaka, partikular na ang Mauranen Irrigator’s Association ng Barangay Mendoza ang nakikinabang ngayon sa pasilidad.

Sa ganitong suporta, inaasahang mado-doble ang farm productivity sa lugar na makakatulong para sa food sufficiency ng bansa at makakadagdag pa ng kita para sa mga magsasaka.

Base sa datos ng NIA, tumaas ang bilang ng mga magsasakang nakikinabang sa proyekto mula 36 hanggang 45 sa Abaroan. Pinaaangat nito ang kanilang aning palay mula 1,500 kg hanggang 2,500 kg per hectare, kung saan kanilang tinatamasa ang dalawang cropping kada taon, kung ikukumpara sa nakalipas na panahon na mono-cropping lamang.

Ang Php3.34 milyong halaga ng proyekto ay nagmula sa Agrarian Reform Regular Fund na tinanggap ng Bantoto Irrigator’s Group, asosasyon ng mga magsasaka ng Abaroan ARBs Multipurpose Cooperative na tumatanggap ng ayuda mula sa DAR.

Samantala, ang CIP naman ng Barangay Mendoza ay kakukumpleto pa lamang ng pasilidad na nagkakahalaga ng Php10.3 milyon, pinondohan ito sa ilalim ng Agrarian Reform Support Project-Japan International Cooperation Agency (ARISP-JICA) Phase 3. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s