Tagalog news: Mga biktima ng investment scam sa Palawan, dumulog sa SEC

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 19 (PIA) — Kasabay ng isinagawang Consumer Advocacy Forum on Pyramiding and Illegal Investment Scheme ng Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan ay personal na tinanggap ng grupo ng mga abogado ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang reklamo ng mga nabiktima ng Investment Scam sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa.

Ang grupo ng SEC ay pinangunahan ni Atty. Jose P. Aquino ang Director ng Enforcement & Investor Protection Department ng nasabing ahensiya. Nagsagawa rin ang grupo ng SEC ng monitoring at inspeksiyon sa natitirang investment company sa lungsod na My Super Saver o MSS upang alamin kung may paglabag ba ang nasabing kumpanya sa kanilang SEC Registration.

Nito lamang nakaraang buwan ay mayroong pitong investment company ang pinaghinalaan ng DTI-Palawan na nagsasagawa ng pyramiding at illegal scheme. Sa pakikipag-ugnayan ng DTI-Palawan sa mga awtoridad at pagtutulungan ng mga ahensiyang may kaugnayan sa negosyo ay nagsagawa ang grupo ng monitoring at inspeksiyon sa mga kompanyang ito.

Ang mga kompanyang ito ay ang Seven Stars General Merchandise, Innov8/IB & W Enterprise, Abrilliance Powers Trading, Infinite Gold Marketing, Palawan Entre-Business Company (PAL-ECO), Real Techno, at ang My Super Saver.

Ilang araw pagkatapos ng isinagawang monitoring at inspeksiyon ng mga otoridad at ng DTI-Palawan sa nasabing mga kompanya, ay isa-isa na itong nagsipag-sara bunsod umano ng pagkalugi kung kaya’t walang magawa ang mga mamamayang naglagak ng kanilang mga salapi sa mga kompanyang ito kundi ang magreklamo sa mga otoridad tulad ng Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Immigration (NBI).

Sa kasalukuyan tanging ang My Super Saver o MSS na lamang ang natitirang nagpapatuloy ng kanyang operasyon at tinitiyak ng SEC na ipapasara nila ang nasabing kumpanya dahil sa pagsasagawa nito ng illegal investment scheme taliwas sa kanilang SEC Registration at actual business operation na grocery store.

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan ang grupo ng mga abogado ng SEC uang tumanggap ng mga reklamo mula sa mga nabiktima ng investment scam. Isinasagawa ito sa tanggapan ng DTI-Palawan.

Umaasa naman ang SEC na marami silang matanggap na reklamo upang maging sapat ito para sa pagsasampa ng kaso sa mga nagpatakbo ng kompanyang ito. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s