Tagalog news: Php155M World Bank Project sa bayan ng Odiongan, aprubado na

ODIONGAN, Romblon, Agosto 18 (PIA) — Kinumpirma ni Gov. Eduardo C. Firmalo na aprubado na ang P155 milyon halaga ng World Bank Project farm-to-market-road sa bayan ng Odiongan.

Ang nasabing proyekto ay ang farm to market road na magdudugtong sa Sitio Aurora, Bgy. Pato-o sa sementong kalsada at dalawang tulay sa Barangay Pato-o patungong Odiongan na pinondohan sa ilalim ng Philippine Rural Development Plan.

Ang nabanggit na lugar ay sagana sa mga agriculture products na makatutulong upang lalo pang mapasigla ang kalakalan sa pamilihan ng Odiongan at karatig bayan dahil mabilis ng madadala ang mga produktong nanggagaling dito.

“Makakaasa tayo na tiyak o tuluyan ng maipapagawa ang farm to market road mula sa bayan hanggang Sitio Aurora, Bgy. Pato-o matapos na aprubahan ng World Bank ang pondo para sa nasabing proyekto,” pahayag ni Firmalo.

Ang nasabing farm to market road ay mayroon ding Phase II kung saan ito ay magkokonekta sa bayan ng Sta. Maria at Odiongan o Eastern to Western side ng Tablas.

Aniya, kapag natapos ito ay magiging maalwan na at mabilis ang paglalakbay patawid mula Silangan hanggang Kanlurang bahagi ng Tablas island.

Sinabi pa ng gobernador na ang proyektong nabanggit ay bunga ng pagpupunyagi ng pamahalaang panlalawigan na maihanda at maisumite ang mga kinakailangang dokumento upang maisakatuparan ito.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s