Tagalog news: Pagtatayo ng Mimaropa Medical Center, isusulong

PUERTO PRINCESA, Palawan, August 17 (PIA) — Pangunahing isusulong ni Palawan 3rd District Representative Gil Acosta Sr. sa House of Representatives ang pagtatayo ng Mimaropa Medical Center.

Ani Acosta sa isinagawang “Kapehan with Kabaranga Gil Acosta” kamakailan, binubuo na niya ang panukalang batas para rito na agad ihahain sa mababang kapulungan ng konggreso.

Nais ng mambabatas na mailagay ang panukalang medical center sa lungsod ng Puerto Princesa upang may matakbuhang pagamutan ang mga mahihirap na pasyente, hindi lang sa lalawigan ng Palawan kundi maging sa buong rehiyon na may kumpletong pasilidad at doktor.

“Ang plano natin dito ay magkaroon ng kumpletong pasilidad at mga espesyalista na hindi na tatakbo pa ang mga pasyente sa Maynila para magpagamot”, ani Congressman Acosta.

Sa ngayon, maliban sa dalawang Provincial Hospitals sa Norte at Sur ng Palawan, Medicare Hospitals na sinisimulan nang kumpleto-hin ng provincial government sa bawat munisipyo, may kasalukuyan ding Ospital ng Palawan (ONP) na nasa lungsod ang pinatatakbo ng Department of Health (DOH).

Suportado din ng mambabatas ang adbokasiya na mabigyan ng tamang direksyon ng pamunuan ng ONP ang mga pasyente lalo na ang nanggaling pa sa malalayong bayan ng lalawigan patungkol sa mga accredited doctors nito upang hindi na ma-obliga ang mga ito na kumuha pa ng pribadong espesyalista na siyang nagpapabigat ng husto sa bayarin paglabas ng pagamutan. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s