Tagalog news: Palawan Bantay Turista, nagsagawa ng coastal clean-up

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 16 (PIA) — Nagsagawa ng coastal clean-up ang Palawan Bantay Turista Office kamakalawa sa Port Barton, San Vicente.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Palawan Rescue 165 at ng komunidad.

Layunin nitong matulungan ang komunidad ng Port Barton na mapangalagaan at mapanatiling malinis ang baybaying-dagat nito. Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga residente na ipagpatuloy ang regular na coastal clean-up drive sa kanilang lugar at maitaas ang kamalayan ng mga ito at tuluyang mapangalagaan ang kapaligiran lalo na at ang Port Barton ay isang major tourist attraction.

Ang magkakalapit na mga isla sa Port Barton ang ilan sa mga paboritong puntahan ng mga lokal at dayuhang turista. Kaya ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay na maiwasan ang anumang banta ng sakit sa mga turista at residente dulot ng maruming baybayin, ayon kay Gilbert Baaco, hep eng PDRRMO. Ayon naman kay Roselee Buenconsejo, Program Coordinator ng PDRRMO for Media and Training, ito ang kauna-unahang coastal clean-up na isinagawa sa Port Barton.

May plano ring magtayo ng Bantay Turista Desk sa nasabing lugar maliban sa tanggapan na ilalagay sa mismong bayan ng San Vicente ang pamahalaang anlalawigan. Ito ay upang mas matutukan ang ilang initial tourism risk assessment ng tanggapan sa nasabing lugar.

Ang mga isla, baybayin at karagatan ng Port Barton ang isa sa maituturing na magandang atraksyon na ipinagmamalaki ng mga residente nito.

Ang Palawan Bantay Turista ay isang espesyal na programa ng amahalaang panlalawigan sa ilalim ng PDRRMO na nakatuon sa Tourism Risk Management. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s