Tagalog news: Asphalt overlaying sa main road ng Calapan, minamadali ng pamahalaang lokal

CALAPAN, Oriental Mindoro, Agosto 16 (PIA) – Minamadali na ngayon ng pamahalaang lungsod ang isinasagawang asphalt overlaying sa main road ng lungsod ng Calapan.

Layunin nito na mapabilis ang pagsasaayos ng daan sa central business district ng lungsod ng Calapan, na suspendido na ng mahigit na dalawang linggo.

Bunsod ito ng pagkakahinto ng proyekto na ayon kay Mayor Arnan C. Panaligan, lubhang nakakaapekto sa daloy ng trapiko at sa mga pedestrian ang nasabing pagkatigil ng gawain, bukod sa nakukumpurmiso din ang kaligtasan ng mga mamamayan dahil sa kawalan ng mga road lane markings at pedestrian lanes.

Dahil dito ay iniutos niya ang madaliang pagtutuloy para maagang matapos ang nasabing proyekto upang malagyan na ng mga nararapat na marka ang mga istratehikong lugar at tawiran sa sentro ng lungsod.

Inaasahan na ang agarang pagtatapos nito ay magbibigay ng mas magaang sitwasyon sa trapiko at kaalwanan para sa mga pedestrian sa araw-araw. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s