Tagalog news Consumer Advocacy Forum, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 15 (PIA) — Binigyang diin ni National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Fraud and Action Division Supervising Agent, Atty. Minerva Sobreviga-Retana ang pahayag na “Walang manloloko kung walang magpapaloko”.

Ito ay bilang paalala sa publiko na iwasang maisahan ng ilang investment companies na nagbubukas ngunit pagkalipas ng ilang linggo ay magsasara at maglalahong parang bula ang mga namamahala, tangay ang mga salaping inilagak ng mga biktima.

Sa isinagawang forum, sinabi naman ni Atty. Jose Aquino, director ng Enforcement and Investor Protection Department ng Securities and Exchange Commission (SEC) na sa buong rehiyon ng Mimaropa, ang Palawan pa lamang ang napasok ng tinatawag na “Ponzi Scheme”, kung saan marami ang nabiktima. “Ang Ponzi Scheme ay papangakuan ang kliyente ng 50 porsiyentong kita mula sa na-invest nito sa loob ng 45 days, o 100 porsiyento sa loob ng 90 araw at may kapalit ding maliliit na produktong kunwari ay kanilang ibinibenta”, paliwanag ni Atty. Aquino.

“Sa investment scheme na ito, sa una ay babayaran ng ipinangakong profit ang pinakamaagang nagbigay na kliyente na ang ibinayad ay mula naman sa iba pang mahihikayat na mag-invest”, dagdag pa ni Aquino.

Hinikayat naman ng NBI Anti-Fraud and Action Division ang iba pang nabiktima ng investment scam na magsampa ng reklamo laban sa mga kompanya at huwag mahihiyang lumapit o magtanong sa mga kinauukulan.

Kasabay ng advocacy forum, may mga naghain ng reklamo sa NBI, maliban pa sa mga naunang naihain sa opisina ng NBI-Palawan.

Samantala, nagpapatuloy pa ngayon ang pagtanggap ng reklamo ng Anti-Fraud Division sa pamamagitan ng mga iniwang complaint forms sa DTI-Palawan, kung saan maaaring pumunta ang iba pang biktimang hindi pa nakapaghahain ng kanilang reklamo. (LBD/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s