Tagalog news: Operation Smile, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 14 (PIA) — Isinagawa sa Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) sa bayan ng Taytay ang Operation Smile noong Agosto 9-12.

Ang Operation Smile ay libreng operasyon ng mga ngongo at may bingot sa pangunguna ng Operation Smile Philippines na binubuo ng samahan ng mga volunteer plastic surgeons, pediatricians, nurses, dentists at speech therapists, isang non-profit organization na ang layunin ay tumulong sa mga mahihirap.

Nasa 150 pasyente ang naging benepisyaryo ng programang ito sa lalawigan ng Palawan na sumailalim sa masusing screening ng mga health workers sa mga Rural Health Units (RHUs).

Ayon kay Dr. Lilian T. Arcinas, nakatalagang Program Manager ng Community Outreach Dental Program ng PHO Dental Clinic at isa sa mga Operation Smile volunteers, layunin ng samahan na matugunan ang kapansanan ng mga batang may bingot at ngongo dahil naniniwala sila na ang lahat ng bata ay may karapatang ngumiti ng maayos kaya’t nakikiisa sila sa ganitong libreng gawain. Dagdag pa ni Dr Arcinas, ang libreng operasyong ito ay hindi lamang isang beses sa isang taon ginaganap kundi minsan ay dalawang beses sa isang taon kung kinakailangan.

Nakatakda rin ani Dr. Arcinas na magsagawa ng kahalintulad na proyekto ang Operation Smile sa darating na Oktubre 2016 para naman sa mga may bingot at ngongo sa bahaging Sur ng lalawigan.

Ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Provincial Health Office (PHO), Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) at Coral Bay Nickel Corporation (CBNC). (OCJ/PIA-MIMAROPA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s