Tagalog news: Pagpapalakas ng LPA sa habagat, paghandaan, pag-ingatan – OCD-Mimaropa

LUNGSOD QUEZON, Ika-13 ng Agosto (PIA) — Pinaghahanda ng Office of Civil Defense – Mimaropa ang mga kababayan hinggil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa na idudulot ng patuloy na pag-ulan sa ilang mga bahagi ng rehiyon.

Sa huling babala ng Pagasa, pinalalakas ng low pressure area (LPA) ang habagat na siyang nagpapaulan sa Mimaropa.

Naiulat na ang mga bayan ng Culion, Cuyo, Coron at Busuanga ng Palawan ang sumahod ng napakalakas na ulan batay sa Sitrep No 2 ng OCD-Mimaropa na inilabas noong Martes. Ang Agutaya, hindi lang malakas na ulan ang sinahod, sinabayan pa ng napakalakas na paghangin. Sa lakas ng ulan, nasuspinde ang mga klase mula highschool pababa sa Coron at Busuanga.

Nilamon din ng baha ang ilang tulay sa Coron: Batacalan bridge detour (Barangay Bintuan) at ang Balolo bridge detour (Barangay Guadalupe).

Payo lang ng OCD-Mimaropa, dagdagan ang iingat at antabayan ang mga babala mula sa kanilang ahensiya, lokal na pamahalaan o kaya sa Pagasa hinggil sa sitwasyon ng habagat at ng LPA upang maligtas sa disgrasya at pinsala. (LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s