Tagalog news: Bagong re-routing scheme, ipinapatupad sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Agosto 13 (PIA) – May bagong re-routing scheme para sa mga pampublikong sasakyan ang ipinatutupad ngayon sa lungsod ng Calapan.

Ipinagbabawal na ang pagparada ng mga sasakyan lalo na ng mga tricycle na ginagawang terminal ang harapan ng Xentro Mall sa Brgy. Lumangbayan at sa halip ay doon na lamang sa gilid ng naturang mall sila pwedeng kumuha ng pasahero. Ito ang patakarang ipinapatupad ng City Public Safety Department (PSD) upang maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa lungsod kung saan naglagak sila ng steel barriers sa diversion road.

Ayon kay PSD Chief Nelson Aboboto, pinapayagan namang magbaba ng pasahero sa tapat ng nasabing mall ngunit hindi upang magsakay doon.

Layunin nito na maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar. Gayunpaman, nananatili naman ang van terminal sa dati nitong kinalalagyan na bumibyahe patungong south.

Dagdag pa ng opisyal, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga may-ari ng passenger van sa pantalan ng Calapan upang bigyang abiso ang mga ito na sa Brgys. Suqui, Parang at Palhi na sila dumaan patungong South gayundin ang babalik sa pantalan kung saan sa C5 road sila pinakikiusapang dumaan dahil ipinagbabawal na ang unloading sa kahabaan ng J.P. Rizal St. upang hindi makaabala sa bultu-bultong sasakyan na tumatahak sa Brgy. Camilmil na kasalukuyang mabigat na ang daloy ng trapiko.

Dahil na rin sa hindi maikakaila ang malaking bilang na pagsulputan ng mga sasakyan sa lungsod, bukas rin anila sila sa pag-aaral hinggil sa pagpapatupad ng number coding system sa lahat ng mga sasakyan. Bunsod ito aniya ng pagmenos ng tinatayang nasa 700 tricycle mula sa kabuuang 3,500 na bumabyahe araw-araw simula ng ipatupad ang coding system.

Ang pagdaragdag ng traffic light at re-routing ay ilan lamang sa inaasahang makatutugon sa pagsikip ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Patuloy naman ang isinasagawang pag-aaral ng pamahalaang lokal upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng bagong mga polisiya at pagpapatupad ng mga pangkalsadang ordinansa sa Calapan City. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s