Tagalog news: ‘Palawan World’s Best Island Tourism Trade Expo’ ginanap sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 12 (PIA) — Ginanap sa lungsod ang tatlong araw na Trade Expo bilang pagpupugay sa natamong parangal ng lalawigan ng Palawan nang itinanghal ito na World’s Best Island taon-taon mula noong 2013.

Ang nasabing trade expo na tinaguriang “Palawan World’s Best Island Tourism Trade Expo 2016” ay inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Palawan Tourism Office. Ginanap ito sa activity area ng Robinson’s Place Palawan kamakailan.

Taong 2013 nang unang kinilala ang Palawan bilang World’s Best Island ng isang prestihiyosong magazine na Travel Leisure, sa taong 2014 at 2015 ay nagmula naman ang pagkilala sa Conde Nast Travel Magazine at ngayong 2016 muling hinirang ang Palawan ng Travel Leisure Magazine. Tampok sa trade expo ang iba’t-ibang promotional discounts ng mga hotels at resorts, restaurants gayundin ng mga airlines. Nagkaroon din ng surprise raffle prizes at malaking diskwento sa mga hotel accomodations at ng airline companies. Inabangan din dito ang palabas ng Palawan Performing Group sa nasabing aktibidad.

Dalawampu’t walong partisipante naman na nagmula sa mga hotels at resorts, restaurants, mga representante ng munisipyo o mga lokal na pamahalaan ang lumahok sa upang ipakilala ang estratehiyang “one town, one product”.

Suportado naman ng Palawan Tourism Council at ng mga pribadong sector ang isinagawang trade expo. (OCJ-PIAB Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s