Tagalog news: Higit 300 magsasaka sa San Jose, makikinabang sa STW ng DA

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Agosto 12 (PIA)—Higit sa 300 magsasaka ng sityo Yaw-Yawi 2 barangay Murtha, bayan ng San Jose ang makikinabang sa 10 Shallow Tube Wells (STW) with Engine na ibibigay ng Department of Agricuture (DA).

Ayon kay Rommel Calingasan, Municipal Agriculturist ng bayan ng San Jose, malaking tulong ang nasabing mga STW upang mapatubigan ang mga taniman ng mga magsasaka sa naturang barangay. Ibinabaon ang naturang mga STW’s sa mga lugar na may tubig sa ilalim ng lupa. Nailalabas ang tubig sa papamamagitan ng makina na nakakabit sa STW.

Ang mga STWs ay bahagi ng mga ipinangako ni DA Secretary Emmanuel Piñol, sa mga kasapi ng Yaw-Yawi 2 Farmers Association, ng bumisita ang Kalihim sa kanilang lugar kamakailan.

Dahil dito ay agad na binisita at pinangunahan ni DA Mimaropa Regional Executive Director Atty Cipriano Santiago ang pakikipagpulong sa mga mamamayan ng naturang sityo noong ika-26 ng Hulyo, upang alamin ang kalagayan ng mga magsasaka at matukoy ang mga programang maaring maibigay sa naturang pamayanan.

Sa naturang pagbisita ay nabatid ng direktor na isa sa pangunahing pangangailangan ng mga residente ng Yaw-Yawi 2 ay ang maayos na daan kung kaya’t ipinangako ni Santiago ang pagpapakonkreto ng kanilang daan na magmumula sa national highway hanggang Yaw-Yawi 2 Proper.

Ayon naman kay Wilfredo Carbonel, Chairman ng nasabing asosasyon, hihiling din ang kanilang grupo ng traktora upang mapadali ang kanilang pagsasaka. Sa kasalukuyan ay hinihintay naman ang resulta mula Bureau of Soil and Water Management, na nagsagawa ng pagaaral sa naturang sityo upang matukoy ang mga lugar na maaring paglagayan ng mga nasabing STW’s. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s