Tagalog news: 17 patrol cars, ipinamahagi ng PNP Mimaropa sa mga tanggapan nito

ROMBLON, Romblon, Agosto 12 (PIA) — Ayon sa pamunuan ng Romblon Police Provincial Office, 17 bagong patrol cars ang ipinamahagi ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA sa ilang opisina ng PNP sa rehiyon kamakailan sa pangunguna ni Police Chief Superintendent Wilben M. Mayor, Acting Regional Director ng PNP 4B.

Ang nasabing patrol cars ay bagong 2016 Model Mahindra Scorpio.

Itinaon ang pamamahagi nito kasabay ng ginanap na Culminating Activity kaugnay sa pagdiriwang ng ika-21 Police Community Relations Month na may temang “Matatag na Ugnayan, Ligtas na Pamayanan” sa Camp Efigenio C. Navarro, Calapan, Oriental Mindoro.

Ang mga opisinang nakatanggap ay ang Office of the Regional Director, Deputy Regional Director for Administration, Deputy Regional Director for Operations, Regional Logistics Division, Regional Communication and Electronics Office 4B, Regional Engineering Office 4B, Regional Finance Service Office 4B, Regional Internal Affairs Service 4B, Regional Special Training Unit 4B, Regional Intelligence Unit 4B, Regional Criminal Investigation and Detection Unit 4B, Puerto Galera Tourist Police Unit, Palawan Provincial Police Office at Puerto Princesa City Police Office.

Kasabay ng turn-over ng mga bagong sasakyan, nakatanggap rin ng plake ng pagkilala ang ilang pulis bilang bahagi ng nasabing programa upang bigyang pugay ang kanilang husay at galing serbisyo, katapatan sa paglilingkod, pagkilala sa mga naiambag nito upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng komunidad.

Sa talumpati ni Police Chief Superintendent Wilben M. Mayor, sinabi nito na sana’y ingatan ng mga PNP personnel ang mga gamit na ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanilang tanggapan.(PJF/DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s