Tagalog news: Paglulunsad ng mimaropaventures.ph mobile app, isinagawa

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Agosto 10 (PIA)—Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) Mimaropa ang mimaropaventures.ph mobile application sa press conference na ipinatawag ng nasabing kagawaran sa lungsod ng Calapan City.

Ayon kay Dr. Bilsihan Servañez, Chief Science Research Specialist, nais ng DOST na mas lalong mapadali ang pagbili ng mga produktong gawa sa Mimaropa.

Sa pamamagitan ng nasabing aplikasyon ay maari nang bilihin ang mga nasabing produkto gamit ang smartphones. Ang pagbabayad naman ay maaring cash o credit card. Bilang patunay ay sinubukan ni Dr. Anthony Sales, DOST Undersecretary for Regional Operations, ang nasabing aplikasyon.

Sa tulong ng isang kawani ng DOST Mimaropa ay ipinakita ni Sales sa mga dumalong media kung gaano kadali gamitin ang nasabing mobile application. Ayon naman kay Servañez kinakailangan lamang na i-download ang mimaropaventures.ph mobile application sa kahit anumang smartphones upang ito ay magamit. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s