Tagalog news: Programa ng DA, inilapit sa mga magsasaka ng Abra de Ilog

ABRA DE ILOG, Occidental Mindoro, Agosto 8 (PIA)—Isinagawa ng pamahalaang bayan ng Abra de Ilog (LGU) at ng Department of Agriculture (DA) Mimaropa ang isang Farmer’s Stakeholders Forum sa bayan ng Abra de Ilog kamakailan.

Layunin ng naturang aktibidad na mailapit sa mga magsasaka ng nasabing bayan ang iba’t ibang programa ng DA, LGU at ng tanggapan ng Provincial Agriculturists (OPA) para sa kaunlaran ng palay, mais at high value crops.

Ayon kay Municipal Agriculturist Julius Amodia, nagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Abra de Ilog at DA, upang ipakita sa mga dumalo ang kahalagahan ng pagiging kasapi ng isang samahan tulad ng asosasyon at kooperatiba. “Ang mga proyekto gaya ng solar dryer, water pumps, at farm to market roads ay maaring mai-request ng isang samahan (ng mga magsasaka)”, pagbibigay halimbawa ni Amodia.

Ang isang samahan ng mga magsasaka ay kinakailangang rehistrado sa Department of Labor and Employment, aktibo at may magandang ugnayan ang mga tagapamuno at miyembro ng naturang samahan. Ipinaliwanag ng Municipal Agriculturist ng Abra de Ilog na ang pamunuan ng isang asosasyon ang magsasagawa ng monitoring sa sandaling maibigay ng kagawaran ang kanilang hiniling na proyekto. Ibinigay na halimbawa ni Amodia ang programang High Yeilding Technology Adaptation (HYTA) ng DA kung saan nabigyan ng certified at hybrid seeds at fertilizer ang mga asosayon ng Abra de Ilog. “Babayaran ng mga magsasaka ang mga ito sa kanilang asosasyon at magsisilbing pondo para sa iba pang proyekto na kailangan nila” paliwanag pa ni Amodia.

Tinalakay rin sa naturang ugnayan ang programa ng OPA at ng DA sa La Niña, Organic Agriculture at ang Gawad Saka na ayon kay Clariza San Felipe, tagapamuno ng Regional Agriculture and Fisheries Information Division (RAFID) ng DA Mimaropa, ay kumikilala sa kagalingan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda na nagpakita ng natatanging ambag sa kanilang larangan at umangat ang kabuhayan.

Dumalo sa nasabing ugnayan ang may 150 magsasaka mula sa sampung barangay ng Abra de Ilog. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s