Tagalog news: Phil-LiDAR data, ipinamahagi sa lahat ng LGU ng Mimaropa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 8 (PIA) — Namahagi kahapon kamakailan ang Department of Science and Technology katuwang ang Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ng Philippine-Light Detection and Ranging (Phil-LiDAR)1 data products sa mga lokal na pamahalaan sa probinsiya, siyudad at munisipyo ng Mimaropa.

23 munisipyo sa lalawigan ng Palawan at Puerto Princesa na kinakatawan ng kani-kanilang mga Disaster Risk Reduction Officers ang tumanggap ng Phil-LiDAR 1 data.

Ang Phil-LiDAR 1 program ay ang pagpapalawig ng Disaster Risk and Exposure Assessment for Mitigation (UP DREAM) na may layong makabuo ng 3-D flood at hazard maps ng mga sistema ng ilog sa bansa para matugunan ang disaster risk reduction at pagbagay sa pagbabago ng klima.

Kasabay ng seremonya, tinalakay ni Dr. Enrico Paringit, program leader ng Phil-LiDAR 1 ang kahalagahan ng flood maps, automated water level system at flood early warning system.

Itinuro rin sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng programa.

Ayon sa mga Disaster Risk Reduction Officers na dumalo sa programa, malaking bentahe ang bagong sistema na kanilang gagamitin pagdating sa hazard assessment dahil magiging karagdagan ito sa kasalukuyan nilang ginagamit na geo-hazard maps mula sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-MGB).

Isinagawa ang turnover ceremony sa Palawan State University (PSU) Hostel, lungsod ng Puerto Princesa, na pinangunahan ng DOST-MIMAROPA at PCIEERD. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s