Tagalog news: Barangay Veterinary Aides sa Palawan sinasanay

PUERTO RINCESA, Palawan, Agosto 08 (PIA) — Patuloy na sinasanay ng Provincial Veterinary Office (PROVET) ang mga Barangay Veterinary Aide ng sa buong lalawigan.

Ayon kay Dr. Benito Del Rosario, Veterinarian I, layon ng gawaing ito na sanayin ang mga piling indibidwal sa mga barangay upang maging katuwang ng PROVET sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupang lugar partikular na ang pangangalaga ng mga hayop.

Ang mga Barangay Veterinary Aide ng bayan ng Dumaran ang naunang sinanay ng PROVET sa tulong na rin ng Department of Agriculture (DA). Tinalakay sa pagsasanay ang tungkol sa pangangasiwa ng paghahayupan, tamang nutrisyon sa mga ito at gamutan.

Tinuruan din ang mga ito ng tamang pagbabakuna (vaccination), pagpurga ng bulate (deworming) at iba pa.

Dagdag ni Dr. Del Rosario, sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ay makatutulong na ang mga Barangay Veterinary Aide sa pagpapaigting ng mga programa ng PROVET at ay mabibigyan agad ng aksyon ang mga pangangailangan sakaling magkaroon ng suliranin ang mga hayop sa kani-kanilang mga komunidad.

Ang mga Barangay Veterinary Aide naman ng mga bayan ng Coron at Busuanga ang susunod na sasanayin ng PPROVET ngayong Agosto 016. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s