Tagalog news: Pabuya para sa mahuhuling drug pusher inilaan ng alkalde ng Romblon

ROMBLON, Romblon, Aug.1 (PIA) — Sinabi ni Romblon Mayor Mariano M. Mateo na ang kanyang tanggapan ay naglaan ng P20,000 na pabuya para sa sinumang mahuhuling drug pusher sa bayan na kanyang nasasakupan.

Aniya, ang sinumang indibidwal na makapagtuturo ng drug pusher at magpositibo sa operasyong gagawin ng pulisya ang tatanggap ng nasabing reward.

Ayon pa sa alkalde, ang hakbang na ito ng kanyang tanggapan ay bilang suporta sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Duterte laban sa droga at tuluyan nang masupil ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Romblon.

Balak din ni Mateo na isailalim sa random drug testing ang lahat ng empleyado ng munisipyo upang tiyakin na walang sinumang kawani na sangkot sa paggamit ng illegal na droga.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 94 kataong aminado na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kusang loob na sumuko sa Romblon Municipal Police Station.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s