Tagalog news: 31 Konsehal ng OrMin, pinarangalan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 30 (PIA) – Bilang pasasalamat at pagpupugay sa kanilang naging panunungkulan bilang mga konsehal ng bayan, pinarangalan ang 31 mga 3-termer ng Sangguniang Bayan sa Oriental Mindoro sa isinagawang Philippine Councilors League-Oriental Mindoro Federation (PCL-OMF) End-Term and Recognition Activities 2016 sa Batasang Panlalawigan, Lungsod ng Calapan kamakailan.

Pinangunahan ang gawain ni PCL-OMF President at Ex-Officio Member ng Sangguniang Panlalawigan (SP), Board Member Gideon B. Abuel.

Tumutok sa temang “Integrity and Social Responsibility: Commitment of the Councilors to its constituents in the Province of Oriental Mindoro”, tumanggap ang mga natatanging konsehal ng bayan ng mga plake ng pagkilala at ng kani-kanilang sipi ng kapasiyahang naipasa ng SP na nagbibigay-pugay sa kanilang mga naiambag sa larangan ng lokal na lehislatura ng lalawigan.

Naging panauhing pandangal sa gawain si Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ma. Victoria J. Del Rosario. Binigyang-diin ni Del rosario sa kanyang talumpati ang pagbibigay-parangal sa mga opisyal ng bayan. Gayundin, hinikayat niya ang mga opisyal na manguna sa pagtataguyod sa mga lokal na pamahalaan at lehislatura na tumutugon sa mga tunay na pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupan.

Mula sa mga konsehal na pinarangalan, kinilala rin ang mga nahalal sa mas mataas na posisyon sa kani-kanilang mga bayan.

Kabilang na rito sina dating konsehal ng Calapan na nahalal bilang myembro ng Sangguniang Panlalawigan mula sa unang distrito Bokal Edilberto Ilano, Jr. at dating Roxas Councilor na ngayon ay SP member mula sa ikalawang distrito, Bokal Ramil O. Dimapilis.

Kinilala rin ang dating konsehal ng bayan na nahalal bilang Gloria Mayor Bitoy Rodegerio gayundin ang mga dating konsehal na ngayon ay nanunungkulan bilang mga ikalawang punumbayan. Sina Calapan City Vice Mayor Engr. Gil Ramirez, Naujan Vice Mayor Sheryl Morales, Victoria Vice Mayor Mel Callo, Puerto Galera Vice Mayor Marlon Lopez, Socorro Vice Mayor Roy De Claro, Pinamalayan Vice Mayor Rodel Magsino, Bongabong Vice Mayor Richard Candelario, Mansalay Vice Mayor Lhay Postma at Bulalacao Vice Mayor Ramon Magbanua.

Sa nasabing okasyon, pormal ding tinanggap ng mga opisyal ng Sangguniang Panlungsod ng Calapan at Sangguniang Bayan ng Pinamalayan ang tig-P75,000 na gantimpala bilang natatanging Sanggunian sa kanilang kategorya. Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang pormal na kilalanin ang mga bayang ito bilang pinakamahuhusay na Sanggunian sa Oriental Mindoro. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s