Tagalog news: PWD policy forum, idaraos sa Puerto Princesa

LUNGSOD QUEZON, ika-27 ng Hulyo (PIA) —Magkakaroon ng isang forum sa Puerto Princesa, Palawan sa ika-27 ng Hulyo para talakayin ang pinakabagong mga batas at programa para sa mga kababayang may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).

Ang pagdaraos ng policy forum para sa PWD ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development at ng mga miyembrong organisasyon ng Mimaropa Regional Council on Disability Affairs (RCDA)

Kabilang sa mga inaasahang pag-uusapan ang Republic Act No. 10754 o “An Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs na pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento at exemption sa Value Added Tax.

Mababasa ang detalye ng RA No. 10754 sa http://www.gov.ph (na may link: http://www.gov.ph/2016/03/23/republic-act-no-10754/)

Ang forum ay gagawin sa Victoriano J. Rodriguez Multi-Purpose Hall sa Kapitolyo at magsisimula sa ganap ng 8:00 ng umaga.

Mapag-uusapan din kung paano kinilala ang bayan ng Carmona, Cavite sa pagpapatupad ng mga programa sa kanilang mga nasaasakupang PWDs at ang programang Telemedicine ng Department of Health-Mimaropa.

Tampok din sa Policy Forum ang pagbibigay-testimonya sa kahusayan ng programang PWD home care services.

Ang mga inanyayahang speaker ay sina Carmona Cavite Mayor Dahlia A. Loyola, DOH-Mimaropa Regional Director Eduardo C. Janairo.

Maliban sa policy forum, magkakaroon din ng mga booth ang iba’t ibang ahensiya gaya ng TESDA na may libre masahe, pedicure at manicure. (LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s