Tagalog news: Bilang ng nagpaparehistro sa Palawan, mababa ayon sa Comelec

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 27 (PIA) — Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC)-Palawan na mababa ang bilang ng mga nagpaparehistro sa kanilang tanggapan sa buong lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Jomel Ordas, tagapagsalita ng nasabing ahensiya, mababa ang bilang ng mga nagpaparehistro ngayon sa dapat na bilang na kanilang inaasahan. Mula aniya ng magsimula ang rehistrasyon noong Hulyo 15 hanggang Hulyo 24 ay mahigit 17,000 pa lamang ang natanggap na aplikasyon ng kanilang tanggapan.

Sa monitoring ng Comelec-Palawan nasa 900-1,000 aplikasyon para sa pagpaparehistro lamang ang kanilang natatanggap kada araw. Dahil dito, nanawagan ngayon ang Comelec sa mga kabataan na magparehistro na at huwag hintayin ang deadline bago pa sila pumunta sa mga tanggapan ng Comelec na malapit sa kanilang mga lugar upang maiwasan ang pagsisiksikan, mahabang pila at pagkawala ng pagkakataon na makapagparehistro.

Dagdag ni Ordas, ang isinasagawang rehistrasyon ngayon ay para lamang sa mga bagong botante at mga botanteng nawala na sa listahan. Ang mga maaaring magparehistro ay ang mga kabataan na edad 15-17, mga kabataan na edad 18 pataas, mga magpapa-reactivate ng kanilang rehistrasyon at aplikasyon para sa pagpapalit ng apelyido. Hindi tinatanggap ng Comelec ang mga naglilipat ng barangay o munisipyo.

Hanggang Hulyo 31 na lamang ang isinasagawang rehistrasyon kaya umaasa ang Comelec-Palawan na mas tataas ang bilang ng mga nagpaparehistro sa huling araw ng rehistrasyon.

Inihayag din ng Comelec-Palawan na wala pang direktiba ang kanilang punong tanggapan sa Kamaynilaan kung magkakaroon ba ng ekstensiyon o pagpapalawig ang isinasagawang rehistrasyon. (OCJ/PIAB-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s