Tagalog news: Seminar kontra-droga isinagawa sa Concepcion, Romblon

CONCEPCION, Romblon, Hulyo 26 (PIA) — Isang symposium patungkol sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” o mas kilala bilang Republic Act No. 9165 ang isinagawa noong Hulyo 22 sa Sibale Academy of the Immaculate Conception sa bayan ng Concepcion.

Inorganisa ito ng mga kawani ng Concepcion Municipal Police Station sa pangunguna ni SPO2 Rhoel Fabello, ang kasalukuyang Deputy Chief of Police ng bayan, sa pakikipagtulungan na rin ng mga guro at opisyal nang nasabing paaralan.

Layunin ng naturang seminar na imulat ang mga kabataan sa mga nakasisirang epekto ng paggamit ng iligal na droga at hikayatin ang mga ito na maging kabahagi sa kampanya kontra dito.

Binanggit din sa aktibidad na ito ang iba pang seryosong hakbang ng mga kapulisan upang mas mapanatili nilang maayos at matiwasay ang buong bayan sa ilalim ng bagong administrasyon.

Ipinabatid din dito na hindi dapat mailang o matakot ang mga kabataan na lumapit sa kanilang hanay kung may kailangan silang tulong o kaya naman ay may nais na isumbong.

Ayon sa pamunuan ng Concepcion MPS, magsasagawa pa sila ng iba pang symposium sa mga darating na araw para mas lubusang maipaalam sa lahat ng mga kabataan ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.(DE/DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s