Tagalog news: Pagproseso ng passport, NBI Clearance, birth certificate, isasagawa na sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 25 (PIA) — Maaari ng maiproseso ang mga application para sa passport, National Bureau of Investigation (NBI) clearance at authenticated birth certificate sa Odiongan Municipal Hall simula sa Hulyo 25.

Ito ay matapos na ipagkaloob sa kanila ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang tatlong bagong mga bagong laptop na kung saan maaring gamitin sa pagproseso ng mga nabanggit na papeles.

Sa mga nagnanais na kumuha ng NBI Clearance at passport, magtungo lamang sa bayan ng Odiongan, sagutan ang application forms at requirements online bago ito isumite gamit ang application na ginawa ng DICT.

Kapag nai-submit na, bibigyan kayo ng araw o schedule ng DFA o NBI kung kailan kayo pwedeng pumunta sa opisina nila sa Manila para sa personal appearance.

Sinabi ni Mayor Trina Firmalo – Fabic, na makatutulong ito ng malaki sa mga taga-Romblon dahil hindi na kailangan pumila ng mga aplikante sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs at National Bureau of Investigation sa Maynila. Maganda umano ito dahil maikling panahon na lang ang gugulin ng mga aplikante sa pagkuha ng ganitong mga dokumento.

Kung kukuha naman ng authenticated birth certificate sa Pilipinas, sagutan lamang ang detalyeng kailangan sa application, i-submit din ito gamit ang application na nasa computer at magbayad sa Municipal Treasurer’s Office para sa courier o shipping fees para maihatid ang naturang dokumento sa inyong tahanan.

Ayon pa kay Mayor Fabic, anim na barangay hall sa bayan ng Odiongan ang binigyan ng ganitong software ng DICT at pinagkalooban niya rin ng pambayad sa internet connection para maaari ng magproseso ng kahalintulad na dokumento sa kanilang mga barangay.

“Pwede rin naman po makipag-ugnayan ang alkalde ng Romblon, Sibuyan at iba pang mga bayan sa DICT para magkaroon din ng Center na ganito sa bayan po ninyo. Ang teknolohiya ay para sa lahat at pwedeng pakinabangan ng lahat. Nagsabi rin po ang DICT na magro-roll out din sila sa ibang bayan,” pahayag pa ni Fabic.

Maliban sa mga serbisyong nabanggit, maaari ring gamitin ang mga laptop ng mga estudyanteng gustong mag research at gusto mag-aral sa Alternative Learning Center sa pamamagitan ng computer exercises.

Para naman sa mga naghahanap ng trabaho, maaari ring gamitin ang software para maghanap ng mga job offerings o bakanteng posisyon sa iba’t ibang kumpanya sa Maynila.

Tatawaging Tech4Ed Center ang mga lugar kung saan nakalagay ang mga gamit ng DICT sa naturang bayan.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s